Thursday, August 25, 2011

Sikip Dibdib na Umaapaw Part IV

Live and Let Live.. 

Nyetang motto ng brotherhood yan!!!!

As per Miemie Tere, sad to hear na naging victim na din si Chump ng ungratefulness.,
082411 around 11:30am was one of my darkest moment in life. DArk as in dark nag dilim ang paningin ko sa nakita kong itim na pasa sa legs ni Chump. Nakakapanghina =(
Nang pinasundo ko siya nung tuesday night kay Junpio eh sa BrowseR (internet cafe) na tambayan nila, dun palang siya nakauwi since nung Saturday na umalis siya na nagpaalam naman na sandali lang daw sha lalabas at babalik din agad., Hindi siya umuwi ng sunday at monday hangang sa dumating nga yung tita ni Joshua nung monday morning kaya pinilit ko si Junpio na puntahan dahil pag ako ang sumundo hindi sasama yun. 
Pag dating nya ng bahay sinubukan shang kausapin ng kuya Junpio nya, na kwento nya lang ang naganap sa nawawalang celphone ni Jamil (bro ni Joshua) after that lahat na ng tanong sa kanya eh hindi na siya kumikibo. Hangang sa nag sawa na din at napagod kakatanong.
Naligo na siya then natulog agad ng naka kumot which is pinag taka ng itsek ko naman eh anlamig lamig baka nga siguro nag kasakit lang. 

Then kinabukasan, pag uwi ko from office tulog pa din siya at naka kumot pa din which is nag taka na ako.. Hmmmm di yun normal eh.. saka bakit siya naka Jersey short at Muscle Shirt eh usual nyang pambahay eh boxer at sando lang... 

Nang maka tiyempo ako naangat ko ang short at sheiiiiiitttt haist nakita ko na nga ang mapasang binti nya. Nanginig ang buong katawan ko tinanong ko siya  B A K I T?? Hindi sha sumagot humagulgol na ako sa iyak.. BAKIT ka sumali sa Frat? at na nag pa HAZING kapa??  yan ang paulit ulit kong tanong sa kanya habang siya ay tumutulo lang ang luha niyakap ko siya at hinawakan ang kamay. Awang awa ako sa kapatid ko, hindi ko lubos maisip na maiinvolve sha sa ganun GRUPO, recently lang naman siya nasaktan dahil sa maling gawain nya., at di kami lumaki sa paLo =( halos mamatay na kami kakaiyak pag nakanti kami ni Mama.

Pasalamat nalang talaga ako at nakauwi pa siya ng B U H A Y at sana wala mangyari masama sa kanya, ayaw nya mag pa check up, ganun pala ang feeling pag ikaw mismo ang nakakita at kapatid mo pa ang ginago ng mga walang awa na Leader ng Fraternity na yan. OO sige naging tradisiyon na ng kapatiran nila pero ilang TAO naba ang namatay dahil sa kawalangyaan nila., kahit nasa BATAS na yan wala pa din silang takot na ulit ulitin ang kaganapan na yan!!!!
I immediate sent SMS to Yanah, Ian, Mie Tere and Ta Gi, buti nalang at si Ian eh may plano na talagang pumunta sa bahay para kausapin si Chump., 

Around 4pm dumating si Ian at nag start na sila mag usap mag Kuya. Sana naman at naliwanagan si Chump,. at naramdaman niuyang mahal na mahal namin siya.
We (Yan/Ian) decided na dalhin muna siya sa Cavite kay Tito Ikad pumayag naman si Chump, siguro natakot na din siya at na realized nyang delikado ang pinasok nyang grupo, sinabi namen lahat ng mga consequences at posibilidad na mangyayari sa kanya. 


Dumudugo ang puso nameng tatlo =( Ang hirap ng walang MAMA ='(